Thursday, May 20, 2010

sabi mo eh..

ang sabi mo sa akin kanina, hindi ako marunong makinig pag pinagsasabihan.. spoiled bratt.. kelangan masunod lahat ng gutso.. sabi mo din, hindi ako tumatanggap ng opinyon ng iba.. oo na.. tama ka naman talaga matigas talaga ang ulo ko. mas nakikinig ako sa sarili ko kahit na alam ko na minsan eh sablay ang mga desisyon ko.. pasensya ka na, mahirap kasi baguhin ang nakasanayan.. naalala mo pa yung teorya ko tungkol sa natural order? alam mo, hanggang ngayon eh naniniwala pa din ako dun..

pasensya ka na kung minsan eh pinipilit kitang gawin ang mga bagay na ayaw mo.. pasensya ka na kung madalas akong parang bata kung umasta.. alam ko naman na hindi na ako bata.. hindi na ako mahilig sa lollipop na nauubos eh.. haha..

mahal na mahal kita.. sa loob ng pitong bwan na nagkasama tayo, naging masaya ako.. sa bawat araw, gabi, at kahit na madaling araw.. sa tuwing magkasama tayo, ayoko nang matapos ang oras.. kaso hindi pwede.. sabi mo nga, hindi lang tayong dalawa ang tao sa mundo.. alam mong malaking parte ka ng mundo ko.. kahit na kung minsan ay naiisip mo na hindi kita naaappreciate.. alam mo na hindi totoo yun.. gusto ko lang na magkasama tayo.. yun lang masaya na ko..

alam mo din naman ang pinagdadaanan ko sa ngayon.. mahirap lampasan ang problema ng mag-isa.. mahirap mag-isa.. oo, matapang ako.. risk-taker.. palaban.. yun ang sabi mo diba.. pinipilit ko maging matapang.. pero hindi maging manhid..

sana din lang, hindi ka na lang basta-basta nagiging bulag, pipi at bingi pag nag aaway tayo.. masakit kasi na walang pakialam sayo ang taong mahal mo.. sabi mo yun diba?

alam ko naman na hindi perpekto ang relasyon natin.. wala naman talagang ganun eh.. pero may mga bagay talaga na hindi natin kaya icontrol.. alam mo, minsan kahit anung pilit ko kontrolin ang nararamdaman ko, hindi ko pa din talaga kaya..

masakit sa akin yung nagyari kanina.. muntik na nga tumulo ang luha ko nung nasa fx ako pauwi ng bahay eh.. masakit isipin na ganon mo na lang ako kabilis papakawalan.. pero sana naman, hindi na tayo umabot sa ganon.. tama na yung isang beses..

kung sakaling mapagod ka na sa akin, hindi na kita pipigilan. ayokong paghigpitan ka.. mahal na mahal kita.. alam mo yan.. ayoko lang maging unfair sayo at sa sarili ko.. hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo kahit na masaktan ako..

masaya ako na kasama ka.. at mas magiging masaya pa ako kung makakasama kita ng mas matagal na panahon..

kanina ko pa gutso umiyak pero hindi ko magawa.. kaya eto, dinaan ko na lang sa blog.. sana makabawas man lang to sa nararamdaan ko..

hindi nga ako marunong makinig, pero marunong akong magmahal.. sana nararamdaman mo yon..

kahapon, habang nasa bus ako, bigla akong napadpad sa mga messages mo sa inbox ko.. ito yung message mo sa akin nung nakaraang pasko..

hon, i love u, wag m0ng gawing manhid ung sarle m. D kta iwan at papabyaan, ok I love you. Mrami k dng bngo s pgiicp q. Tnulungan m q intndhn ung sarle q. Ndi kta hahayaang mwla sakn. Ok. Lge ktang yayakapn, tpos iki2ss, tpos kukulitin. Ok, papasayahin kta s abot ng mkakaya q. D q mpapangak0ng d kta msasaktan, pro d aq gagawa ng mkakasakt sau ng s0bra. Bta p tau, mdmi p taung mrarating at mraranasan, at gxto qng gwn un kxma k. Cmula ng mahalin kta, kxma k n s buhay q. I love you. :-)

yan yung eksaktong message mo sakin nun..

ngayon, handa na akong ibuhos ang mga luhang matagal nang naghihntay na makalaya mula sa aking mga mata.. sapat na siguro ang laptop na to sa harap ko para pagaanin ang mabigat kong pakiramdam..

eto nga pala yung isang kanta para sayo.. naalala mo pa nung lagi kong pinapatugtog yan nung mga unang araw natin? pakinggan mo..


2 comments:

  1. at habang pinpakinggan ko ang tugtugin iyong inaalay para sa akin, kasalukuyan ko naman ipinapahayag ang aking nadarama.

    patawarin mo nawa ako sa aking mga nagawa sa iyo. sadyang hindi perpekto ang bawat tao. marami akong pagkukulang datapwat sana ay makita mo ang mga ibinibigay ko para sa iyo.

    ayokong manakit, lalo na ang saktan ka. iyon ang pangako ko sa iyo. buhay na maligaya sa piling ko. sana ay magtulungan tayong dalawa upang makamit ang ating ninanais.

    walang madaling paraan para maabot ang anumang bagay. lahat kailangang paghirapan, lahat ay dapat pagsumikapan. ika nga sa isang palabas na nasulyapan ko kagabi "kung mayroon kang nilagan manok, konting tiyaga lang ang ibinuhos para dito. pero kung mayroon kang nilagang baka, sobra-sobrang tiyaga ang inilaan para dito"

    alam kong bawat sandali ng ating mga pag-aaway ay lalong nagpapatibay sa ating pagsasama.

    i love you. at kahit ialng beses ko mang uliting bigkasin ang katagang iyan, alam kong hindi ko pa rin maipapadama sa iyo ang aking nadarama.

    sabi ko nga sayo dati. bkit khit gaano kahigpit ang yakap na gawin mo sa isang tao hindi mo pa rin kayang iparamdam ang tunay mong nararamdaman para sa kanya. kulang pa rin ang nakakaputol hiningang yakap mo pra sa isang tao.

    bebe. makailang ulit ko ng napakinggan ang tugtuging you'll be safe here. salamat at patuloy nating kulayan ang ating buhay. magkulay itim man ito o magkulay bahaghari.

    tayong dalawa, magkasama.

    ReplyDelete
  2. hindi ko naman hinihingi sayo lahat diba.. sabi ko naman sayo, mas masya ako sa mga simpleng bagay at mas naaappreciate ko yung mga yun.. mas ramdam kasi kita sa mga ganun..

    masaya ako sa tuwing kasama ka.. sa tuwing pinipilit natin na ipadama ang pagmamahal sa isa't-isa..

    nakikita ko naman lahat ng mga ginagawa mo para sakin eh.. at masaya ako sa lahat ng yun.. salamat sa lahat.. salamat..

    ReplyDelete