Friday, January 1, 2010

para kay B-)


medyo matagal na din ang pinagsamahan natin.. madami na din tayong lugar na napuntahan ng magkasama.. maraming beses mo na din akong pinagalitan at sinungitan.. halos bawat gabi din tayong magkatabi sa pagtulog at magkayakap hanggang umaga.. haha.. napaiyak mo na nga ako isang beses eh.. ang galing mo talaga..

pero alam mo, sa lahat ng yon, pinakagusto ko yung inaalagaan at inaasikaso mo ko.. yung pinatatawa, pinapangiti pag badtrip.. at ang smiley na naging simbolo nating dalawa :-) B-)


sabi ko sa iyo dati, ayokong magmahal kasi masaya naman ko sa buhay ko at.. hindi totoo yun, gusto kong magmahal pero natatakot akong masaktan, natatakot akong mapagastos ng malaki dahil sa tuwing masama ang loob ko eh kung anu-anong binibili ko.. ayokong masaktan kasi wala namang magcocomfort sakin.. mahirap kaya umiyak ng mag-isa.. hindi naman kasi lahat ng tao eh maiintindihan ang sitwasyon ko..

pero sa kabila ng lahat ng takot at alinlangan, pinili ko pa din na mahalin ka.. eh ano pa nga ba ang magagawa ko eh nandun na tayo.. wala nang atrasan.. sabi mo nga, nahulog na ako sa bitag mo.. haha..

at eto na nga, sumugal na ako sa kinatatakutan kong pag-ibig.. totoong walang kasiguraduhan ang ating buhay sa mundo.. hindi natin alam kung anong magyayari bukas.. sa isang bukas.. at sa mga darating pa na bukas.. at sana, sa mga yon, kasama pa rin kita..

natutunan kitang mahalin sa paglipas ng mga araw.. natutunang pahalagahan, at gawing parte ng akig buhay, ng aking mga pangarap.. at ng aking bukas.. naging bahagi ka na nga ng buo kong sistema – sa pagkain, pagtulog, pagpasok sa eskwela.. kahit saan, kahit ano..

malayo na nga ang narating natin, pero sadyang malayo pa ang bawat landas na ating tatahakin.. at kung sa dulo non ay ikaw pa rin ang aking kasama, magiging lubos akong masaya.. kung matupad ang pangako natin sa isa’t-isa na magkasama nating bubuuin bawat piraso ng ating mga pangarap, tunay sa akong magiging maligaya..

pero sabi ko nga, sa ating kwento, hindi lang naman ako at ikaw ang tauhan.. kundi ikaw, ako at sila.. may tiwala ako sa ‘yo, pero sa mga tao sa paligid natin, wala.. maraming pwedeng sumira ng ating nasimulang istorya.. at kung mangyari man yon, patuloy akong aasa na kaya mo pa rin akong ipaglaban.. sumugal na tayo sa isa’t-isa, kaya sana, panghawakan natin ang ating mga pangako..

pasensya ka na sa mga kakulitan ko, mga kalokohan, sa pagigigng sensitive, clumsy, carefree, tamad at antukin ko.. alam mo, naiinis ako sa ‘yo minsan kasi ang sungit sungit mo.. pero kahit ganon, iniintindi pa rin kita..

siguro nga hindi na tayo katulad nung dati.. hindi ka na kasing sweet noong mga unang araw pa lang natin.. tanga ako kung sasabihin ko na hindi ko na hinahanap yung ganon.. oo, namimiss ko na yung nakaraan, yung dating ikaw.. yung dating tayo.. namimiss ko yung mga paglalambing na ginagawa mo sa akin dati..

pero kahit ano man ang magbago sa ating dalawa, patuloy pa din kitang mamahalin, patuloy kitang yayakapin sa pagtulog, lalagyan ng toner at moisturizer sa gabi, ipagluluto, at aasikasuhin.. patuloiy kitang mamahalin.. kagaya ng dati..

ngayon, parte ka na ng blog ko.. parte ka na ng buhay ko.. hindi man tayo tanggap ng iba, asahan mo na sa bawat oras ay ipaglalaban kita.. sa bawat minuto ay iintindihin.. at sa bawat segundo ay mamahalin kita sa abot ng aking makakaya.. hinding hindi kita iiwan.. mahal kita.. alam mo yan..