Sunday, July 19, 2009

yosi

yosi... ito ang bumubuhay sa puso at utak ko ngayon..
sa parehong paraan na ito din ang unti-unting pumapatay sa aking sistema...

yosi... dito nagsisimula ang bawat kwento sa aking buhay...
sa parehong paraan na dito din natatapos...

gusto ko nang tigilan...
pero hindi pwede...
dahil sa bawat usok, nandoon ang ala-ala...
ala-ala ng bawat kwentong nagwawakas ilang sandali matapos ang simula...
at ala-ala ng bawat tao na naglalaho kasabay ng pagdating ng umaga..

madalas ayaw kong dumating ang umaga...
hindi dahil sa mainit, hindi dahil sa kelangan na namang pumasok sa klase...
kundi dahil sa takot..
ipinapaalala lang ng sikat ng araw na sa buhay na to, hindi lahat permanente...
at sa madalas na pagkakataon, iiwan at iiwan ka ng taong hindi mo man lang ninais mawala kahit sandali..
at sa madalas din na pagkakataon, ala-ala na lang ang maiiwan sayo...
mga ala-alang babaunin mo habang buhay..
mga ala-alang kasama mo kahit sa panaginip...
mga ala-alang madalas na dahilan kung bakit basang-basa ng luha ang unan mo sa gabi..
at mga ala-ala na madalas ding dahilan kung bakit kulay dilaw na ang teddy bear mo na dati ay kulay puti...

hindi ko kayang tigilan ang yosi...
dahil hindi ko sya kayang kalimutan...
dahil kahit na iniwan nya ako...
sya pa din ang hahanap-hanapin ko...
at kahit na maubos na ang yosi sa buong mundo...
mananatili pa din sa aking isip ang bawat usok na aming pinagsaluhan...
dahil sa bawat usok, nandon ang mga ala-ala na iniwan nya...

dahil kahit ilang beses man akong mabuhay...
sya pa din ang pipiliin kong mahalin...
kahit na alam kong iiwan din nya ako...
at kahit na alam kong kagaya ng bawat usok na nakalalason, ay unti-unti din syang maglalaho...

1 comment:

  1. may kasabihan po "lahat ng sobra nakakasama". payong kaibigan- moderate your somoking habits.....

    ReplyDelete