Wednesday, June 17, 2009

salamat tol...

masyado ka pang bata. masyadong mahaba ang buhay para magmadali ka. kahit anong mangyari bukas, ang mahalaga, naeenjoy mo ang ngayon. madami pang pwedeng mangyari sa yo. basta hanapin mo ang sarili mo. wag kang matakot sa katotohanan. at wag kang matakot sa mga pwede pang mangyari. kelangan mo lang tanggapin kung ano ka talaga. ngayon ang tamang panahon para gawin mo yan, bago pa mahuli ang lahat.

yan ang sabi sa akin ng isang kaibigan. siguro nga, madami pa lang akong hindi naiintindihan sa kung ano ba talaga ako. madaming tanong. at siguro, takot din ako sa mga posibleng mangyari sa akin.
pero ngayon, pipilitin kong labanan ang takot. pipiliting tanggapin ang totoo kong pagkatao. ngayon, may isang tao na na alam kong mauunawaan ako, isang taong alam ko at sigurado ako na nasa kapareho kong mundo. salamat tol...


3 comments:

  1. yes..enjoy your youth...di na babalik yan...

    ReplyDelete
  2. Bago, mahuli ang lahat...

    Bisita ka sa coloring book ko. may CRAYOLA akong ibibigay sayo. :)

    ReplyDelete
  3. tama yan, be true to yourself! ;-] kaya mo yan!

    ReplyDelete