Alas sais pa lang pero madilim na ang kalangitan nung hapon na yon...kagaya ng dati, magkasabay tayong umuwi sa dorm pagkatapos ng huli nating klase...nasa may park na tayo malapit sa dorm ng tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan...may suot akong makapal na jacket dahil malamig noon… hinubad ko ang jacket ko para gawin nating pandong sa ulan...kung bakit kasi noon pa natin sabay na naiwanan ang mga payong natin...
lumakas pa ang ulan hanggang sa mabasa na din ang jacket ko na syang nagbigkis sa ating dalawa sa ilalim ng mlakas na ulan
inalis ko na ang jacket dahil basang-basa na din naman tayo...basa na din ang libro at workbook natin sa statistics...
sinabi ko sa iyo na bilisan natin...pero bigla kang tumigil…
dito muna tayo...nakangiti ka ng sabihin mo un
gagu! Anung gagawin natin dito? Kita mo nang ang lakas ng ulan eh...
Wala, basta dito lang tayo…upo tayo sa bench tara!
hinawakan mo ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako papunta sa isang bench para umupo.
Yon ang palagi nating ginagawa tuwing matatapos ang klase, ang umupo sa bench, sa ilalim ng papalubog na araw habang pinagmamasdan ang bawat pangyayaring nagaganap sa paligid, habang kumakain tayo ng paborito nating California Maki…pero hindi sa ganong pagkakataon...hindi sa ilalim ng malakas na ulan...sa ganoong mga oras kasi, madalas nasa loob lang tayo ng dorm habang nanonood ng paborito nating horror movies…
Eh gusto mo lang palang magpahinga, di dapat bumalik na lang tayo sa dorm...buti doon pwede ka pang matulog...hindi pa tayo mababasa
parang wala kang nadinig sa mga sinabi ko...nakatulala ka at parang ang lalim ng iniisip mo...sanay naman ako na seryoso ka at nag-iisip ng malalim pero nung oras na yon, parang may iba sa yo...
uy, ok ka lang? Wag mo isipin yun, mahal ka nun... biniro kita
tumingin ka sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko
uy!
hindi ka pa din umiimik...
hanggang sa bigla mong hinawakan ang kamay ko at sinabing...
I love you...alam mo yon diba? alam mo yon, matagal na...
nagulat ako at nanibago sa mga nadinig ko...pinilit isipin na nagbibiro ka lang...hidi ko inakalang sa ganoong pagkakataon at sa lugar na yon ko madidinig mula sa iyo ang mga salitang yon...
ha? nice joke..kaya ikaw ang best friend ko eh, ang galing mo magpatawa
yun lang ang nasabi ko...wala kang reaksyon, patuloy ka lang tumitig sa mga mata ko
seryoso ako...matagal na akong naghihintay sa iyo, alam kong mahal mo din ako, nararamdaman ko yon...hindi mo lang sinasabi...
pinilit kong ipapaniwala sa sarili ko na nagbibiro ka lang
pero mukha ka ngang seryoso, nun ko din lang nakita sa iyo ang ganong emosyon...hindi ko alam ang sasabihin ko, marahil ay hindi ako handa sa mga nadinig ko...hindi sa panahon na yon, hindi sa ganong pagkakataon...
unti-unti kong naramdaman na tumutulo ang luha mula sa aking mga mata... mabilis akong lumapit sa iyo at niyakap ka ng mahigpit...
mahal din kita, mahal na mahal...matagal ko na tong gustong sabihin sa yo...pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob...baka kasi magalit ka, baka lumayo ka pag sinabi ko...
sinuklian mo ako ng mas mahigpit pang yakap...
kasabay ng malakas na ulan ay ang pagdalas ng tulo ng luha mula sa aking mga mata...
umiiyak ako sa mga sandaling yon dahil sa sobrang kaligayahan...umiiyak ako dahil ang mga salitang hindi ko inasahang madinig mula sa yo ay buong puso mong binigkas sa akin...sa lugar kung saan nag-umpisa ang pagkakaibigan natin...sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno...habang bumubuhos ang malakas na ulan
minahal nga kita ng lubos-lubos, pero hindi ko naman inasahang ibalik mo sa akin ang pagmamahal ko...napakasaya ko…
muli kang nagsalita
kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, ipapakita ko sayo ang totoong meaning ng salitang forever…
Matagal nang ikaw ang forever ko...
Pareho tayo ng pananaw pagdating sa pag-ibig, parehong anti-romantic ang pananaw natin…alam din natin pareho na ni isa man sa atin ay hindi naniniwala sa konseptong "forever"…pareho tayong realistic pagdating sa ganong mga bagay…pero ng mga sandaling yon, parang pareho tayong naglaho mula sa realidad at napunta sa isang fairy tale…
ngayon, masaya na talaga ako, nangyari na ang inaakala kong sa panaginip ko lamang masasaksihan...
nag-umpisa ang walang-hanggan kong kaligyahan sa ilalim ng ulan...
salamat sa ulan...
ilang sandali pa…
nagising ako mula sa isang panaginip...hinanap kita pero hindi na kita natagpuan...
nagising akong katabi na lamang ang unan na regalo mo sa akin nung nakaraang birthday ko…
nandon pa din ang malakas na ulan...pero tanging ulan na lamang...
pero salamat pa rin sa ulan...kahit sa panaginip ay pinasaya ako ng ulan...
at sa muli kong pagtulog, kasabay ng kanta na to, sana nandon ulit ang ulan…
see you soon best friend…
(to be continued)
Ang sweet naman. :)
ReplyDeleteWishing all the best for both of you. :)
Magkakatotoo naman yan, di lang panaginip. ;)
Salamat sa Pakikikulay at pagbisita sa verandako. :)
ReplyDeleteAnong kulay ng cryola ang type mo? :)
ReplyDeletenakakakilig!...... ahehe! ;-]
ReplyDelete