Monday, August 17, 2009

super mario

sana ako na lang si super mario...
para kahit kailan, pwede akong magpalipat-lipat sa iba't-ibang mundo...
sana may mga warp zone na lang sa buhay, para hindi ko na kailangan dumaan sa mga pagsubok..


alam ko na hindi pwedeng habang-buhay akong nasa gitna ng dalawang mundo... oo, hanggang ngayon, hindi ko pa din talaga alam kung saan ako lulugar...
alam kong darating at darating ang panahon na kailangan kong magdesisyon sa kung saan ba talaga ako mas masaya at sa kung saan ko ba talaga mahahanap ang tunay kong kailangan...
at alam ko, na kahit saang mundo ang piliin ko, meron at merong mga pagsubok...

kaya ngayon, hahayaan ko muna ang sarili ko na maging masaya sa paglalakbay sa dalawang mundo...
at hanggat hindi ko pa nahahanap ang lugar ko, mananatili muna akong isang super mario - patuloy na magpapalipat-lipat, habang patuloy na hinahanap ang tunay na sarili...

at hanggat madilim pa ang landas na aking nilalakaran, heto muna ako, sa isang madilim na larawan...

patuloy na hihintayin ang liwanag na gagabay sa tamang daan na dapat kong tahakin, patungo sa tamang lugar kung saan ako magiging masaya... habang-buhay...


3 comments:

  1. hehe i love that tv game! miss ko na nga yan, actually. ;-]

    ReplyDelete
  2. zup? Hayaan mo muna yang mga warp zones na yan. Magpahinga ka muna at itgil yang paglipat-lipat.

    UAAP CDC na! nood tayo! (Baka makakuha ka ng ticket sa UP. Pahirapan sa Araneta e)

    Cheers!

    ReplyDelete
  3. nandyan naman si luigi para samahan ka sa papalitpalit mong mundo. =)

    ReplyDelete